Wednesday, August 09, 2006

poem for my bes...

tulog na
habang bukas pa ang iyong isipan
sa pagdating ng umaga

tulog na
habang maluwag pa ang iyong paghinga
patungo sa daloy ng panaginip

tulog na
habang ako'y gising pa
dahil sa bangungot ng hinagpis

tulog na
habang mababantayan pa kita
laban sa kahapong mapang-api...

darating ang umaga
sana'y pareho tayong malaya na.

0 comments:

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy