Thursday, November 30, 2006

you suck



click on the pic to see it better. `nuff said

Tuesday, November 07, 2006

A Loser: Major in D

"We have to meet other people to see what it's like to be with someone else. I'm giving you that choice. if you come back to me, we'll both be better from having chosen freely"

- SMS from ... Bie 11/07/06

oOo

you're thinking too damn much again.

don't think too much.

this is a process you have to go through. unfortunately, alone.

a song is playing, pero labas lang agad sa kabilang tenga. diyan ka naman magaling di ba? ang palampasin ang mga pagkakataon na sana'y magiging masaya ka.

that's okay.

move on.

need to keep going.

get busy.

nalalapit na ang araw na iyon, don't do anything stupid. anything na alam mo namang pagsisisihan mo from then on.

just to be on the safer side of things, do nothing at all. that is a big part of the moving on process.

just like this letter slash reminder slash whatever you call it. it's hard to move on i know pero kelangan. para na rin sa iyo. wag ka iiyak. you're strong di ba? thus, deep inside, you've got to be tough too.

don't feel bad for being the way you are. no more contradictions. masyado nang komplikado ang mga bagay-bagay na nangyayari sa utak mo. masisiraan ka lang ng ulo.

no more.

no more.

ayoko na... :'(

oOo

I

am

a

LOSER.

big time...

Sunday, November 05, 2006

to my best

bessie ko,

salamat sa usap natin last saturday... grabe! pang MMK na naman ang mga eksena

i'm happy ayos na ang lahat sa atin dalawa.

eto na nga siguro yung closure na hinihintay natin pareho.

thank you kase naintindihan mo ko...thank you kase i know you'll be happy if i'm happy. thank you kase friends pa rin tayo after everything that has happened. dito lang ako...friends pa rin tayo. magkaiba man tayo ng mga pananaw sa buhay...dito pa rin ako para intindihin ka. charge to experience na lang lahat ng nangyare sa aten...lahat naman ng tao nagkakamali...ang importante, matuto sa pagkakamali at wag na ulitin pa.

kaya ikaw, sana natuto ka na. wag na magpaiyak pa ng iba ha...kung hinde... hehehe alam ko di madaling magbago, alam ko mahirap din i-convince ang mga tao na gusto mo na magbago...pero ganyan talaga...you have to suffer the consequences. kaya ang pinakamabuti sa lahat...wag ka na lang magsalita. ipakita mo na lang ang bagong ikaw. ok? basta dito lang ako...kalimutan na natin lahat ng nangyare...wala naman mabuti maidudulot kung magkikimkim tayo ng galet. magmove on na lang tayo at magstart ng bagong buhay. ingat ka lage...dito lang ako.

love,
bessy

Wednesday, November 01, 2006

hay naku

itinapon mo lahat para lang maisalba ang sarili mo. yan ba ang pagkakaibigan?

sana inisip mo ng maigi yung dahilan bat naging mas malapit siya sa amin kesa sa iyo. sana tiningnan mo ang sarili mo, mga pananaw mo sa buhay, mga ikinilos mo. alam mo yun, sana sinuri mo yung sitwasyon. di ka lang sana tumingin sa kung ano lang ang nasa harap mo.

at wag mong sabihin na hindi ka namin inintindi. ikaw mismo ang witness sa todo-todong tiwala't suporta na ibinigay namin sa iyo mula pa nung simula. kung nasasaktan, mas masakit sa amin. bakit? kasi ilang beses ka na naming binigyan ng chance para maayos ang lahat. hindi naman kami ang gumawa ng mga bagay-bagay na "ikinasira" mo.

IKAW mismo.

at wag mong idahilan na hindi mo alam kung ano ang nagawa mo. na hindi mo alam na nakakasakit ka na pala. na hindi mo alam kung anong posibleng maging epekto ng mga actions mo sa mga taong nakapaligid sa iyo. bakit? possessed ka ba nung mga panahong ginagawa mo yung mga bagay na yun? na after mong magawa't lahat sasabihin mo "hindi ko alam na ganun yung nagawa ko".

sa lahat ng bagay ba ang iniisip mo hanggat malulusutan ko eh gagawa't gagawa ako ng mga dahilan para pagkatakpan ang sarili at madiin ang ibang tao? nagkataon pa nung yung mga taong yun eh yung nag-cacare sa iyo, na kung ituring ka na eh parang tunay na kapatid. sana nga natuto ka na. sana nga alam mo ng pahalagahan kugn anong meron ka. sana nga makapagsimula ka na ulit at tuluyan mo ng maayos ang lahat.

dahil yung mga itinapon mo na, di na yun babalik pa sa iyo.

kahit gaano pa kasakit ang ginawa mo, hangad ko pa din na maging masaya ka.

pero hanggang dun na lang yun. wala ka ng aasahan pa mula sa akin. tapos na.

matututo din akong maging manhid...

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy