Monday, December 24, 2007

Masaya mag Pasko sa Pilipinas

Masarap talaga ang Pasko sa Pilipinas. Makukulay na ilaw. Masasayang tugtugin. Mga batang nanga-ngaroling. Mga pulubing nagkalat sa kalye. Di mahulugang karayom na dami ng tao sa Divisoria. Lahat ng tao nasa mall para mamili ng butingting na nais nilang ibigay sa mga minamahal at mga importantent tao sa kani kanilang mga buhay. So bakit ko pino-post itong blog na to? Wala lang. Kasi masaya ako. Kasi Pasko nanaman dito sa bansang pinaka mamahal ko. Kasi tambay ako sa Starbucks. Kasi maganda ang gising ko. Kasi magpapasko ako kasama ng aking bestfriend. Kasi masaya yung dinner namin nung isang gabi nila Andy, Eeyan, Ipper at Eden. Kasi ang hirap kumuha ng taxi ngayon sa Makati. Kasi sukang suka na ako sa Cubao. Kasi hindi ako kinikibo ni Karl. Kasi me bago ako trabaho pag pasok ng bagong taon. Kasi sweet yung mga barista sa Starbucks. Nagpicturan kami nung nalaman nila na matagal bago ako makakadalaw ulit sa kanila dahil nga may bago na akong trabaho at mga taga Starbucks Shangri-La na ang aabalahin ko para itimpla ang aking Double Shot grande iced Caffe Mocha. Kasi itong taon na ito ay hinding hindi ko makakalimutan. Kasi maswerte ako dahil ako ay napapaligiran ng kasiyahan mula sa aking mga kaibigan at pamilya. Kasi mabait sakin ang Diyos. Kasi 3 stick na lang ng yosi ang niyo-yosi ko sa isang araw. Kasi matagal na akong hindi umiinom ng beer. Kasi maliit ang kamay ko. Kasi maganda ang tugtog sa ipod ko. Kasi hindi ko alam kung kelan masosoli sakin ni Huck yung libro at dvd at pera ko. Kasi cute sobra yung bunso kong kapatid na lalaki at nag enjoy ako sa super bonding namin kahapon kahit ginawa nila akong driver ni mommy. Kasi sobrang blessed ako ngayong taon. Kasi nandito si John ngayon at sobrang saya ko dahil na meet ko na ang nanay nya at na meet na ya ang parents ko, kung yayayain lang nya ako ulit magpakasal papayag na ako. Kasi maswerte pa rin ako na kahit hindi ako magtrabaho sa ibang bansa ay nakakapag paaral ako ng kapatid, nakaka ipon ako ng pera at nakakapag luho ako. Kasi pwede ako pumunta sa ibang bansa kung gugustuhin ko para magbakasyon (wala nga lang akong kasama at wala rin lang akong oras masyado.. pero kayang gawan ng paraan yung oras. tamad lang ako) Kasi nakaka addik mag PEx. Kasi marami akong nakilalang kaibigan sa PEx. Kasi madaldal ako. Kasi mabilis ang aking mga daliri sa pag tipa ng mga salita para mabuo ang blog na ito.

basta marami pa. Pero ang gusto go rin ipa-alam sa inyo na ang saya saya ko at magpapasko ako dito sa Pilipinas kasama ng aking mga kaibigan at pamilya. Salamat sa inyong lahat. Salamat sa pagiging parte ng aking buhay ngayong taon. Salamat kasi kahit me lamat ng konti ang aking pag iisip a
y nandyan pa rin kayo at hindi nyo ako isinusugod sa mental hospital (balita ko nakaka flip daw ang hangin dun) Salamat kasi patuloy ang inyong pag supporta sa aking kalokohan, sa aking hindi pag review sa Bar, sa king di pag gamit ng aking MBA at sa hindi pagtanong, hindi pagtawa at hindi pag ipon ng galit sa tuwing ako ay madadapa. Salamat sa mga magulang ko at hinahayaan nyo lang akong matututo habang ako ay naglalakbay sa buhay na ito. Salamat at hindi nyo ako pinipigilan na gawin ang aking mga gusto. Salamat sa inyong pagtitiwala na alam nyong hindi ako gagawa ng bagay na makakasama para sa kin. hay... inaantok na ako ulit.

Mamaya na lang ulit... hahahaha!

0 comments:

 
blog template by suckmylolly.com : header hand photo by Aaron Murphy