itinapon mo lahat para lang maisalba ang sarili mo. yan ba ang pagkakaibigan?
sana inisip mo ng maigi yung dahilan bat naging mas malapit siya sa amin kesa sa iyo. sana tiningnan mo ang sarili mo, mga pananaw mo sa buhay, mga ikinilos mo. alam mo yun, sana sinuri mo yung sitwasyon. di ka lang sana tumingin sa kung ano lang ang nasa harap mo.
at wag mong sabihin na hindi ka namin inintindi. ikaw mismo ang witness sa todo-todong tiwala't suporta na ibinigay namin sa iyo mula pa nung simula. kung nasasaktan, mas masakit sa amin. bakit? kasi ilang beses ka na naming binigyan ng chance para maayos ang lahat. hindi naman kami ang gumawa ng mga bagay-bagay na "ikinasira" mo.
IKAW mismo.
at wag mong idahilan na hindi mo alam kung ano ang nagawa mo. na hindi mo alam na nakakasakit ka na pala. na hindi mo alam kung anong posibleng maging epekto ng mga actions mo sa mga taong nakapaligid sa iyo. bakit? possessed ka ba nung mga panahong ginagawa mo yung mga bagay na yun? na after mong magawa't lahat sasabihin mo "hindi ko alam na ganun yung nagawa ko".
sa lahat ng bagay ba ang iniisip mo hanggat malulusutan ko eh gagawa't gagawa ako ng mga dahilan para pagkatakpan ang sarili at madiin ang ibang tao? nagkataon pa nung yung mga taong yun eh yung nag-cacare sa iyo, na kung ituring ka na eh parang tunay na kapatid. sana nga natuto ka na. sana nga alam mo ng pahalagahan kugn anong meron ka. sana nga makapagsimula ka na ulit at tuluyan mo ng maayos ang lahat.
dahil yung mga itinapon mo na, di na yun babalik pa sa iyo.
kahit gaano pa kasakit ang ginawa mo, hangad ko pa din na maging masaya ka.
pero hanggang dun na lang yun. wala ka ng aasahan pa mula sa akin. tapos na.
matututo din akong maging manhid...
Wednesday, November 01, 2006
hay naku
Posted by Kickass Goddess at 1:28 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment